Sanlaksang Katanungan

I. Bakit hindi mo sungkitin ang ulap, at doon magyosi tayo?

bakit nga ba hindi? dahil ba hindi ka na nagyoyosi? bakit hindi ka umiinom? bakit lagi mong pinagduduldulan sa akin na ang magaling na writer ay isa ring magaling na mathematician? ito ang sasabihin ko sayo: una, hindi ako writer; ikalawa, hindi ako magaling; at ikatlo, kung writer man ako, at magaling pa, wala na akong panahon para lunukin ang sanlaksang numero at mga negatibong simbolo na itinuturo sa mga klase mo. bakit ko ba gusto ang relasyong 'devoid of commitment? at bakit mo naman gustong 'exclusive' at hindi 'open relationship'? hindi naman yata masasagot ang mga tanong kong ito sa isang pakete ng marlboro; at lalong wala ring silbi ang isang usapang kaharap ay mga bote ng red horse na kasing lamig ng mga text mo sa madaling-araw. alam ko na ang tanging maisasagot mo sa lahat ng katanungan ko ay bakit. magkagayunman, pilitin mo naman sanang sungkitin ang mga ulap, at doon tayo magsigarilyo para hindi ka makita ng nanay mo (pramis, hindi kita isusumbong). at tatalon tayo mula sa itaas para sumama sa malikot na hangin ang amoy ng usok ng yosing matamang hinithit mo sa langit kanina. at pag-uwi mo ng bahay niyo (hindi ka na maaamoy ng tatay mo, pramis), dumeretso ka sa kuwarto mo. at doon, yakapin mo ang iyong mga unan at ang realidad na iniwan mo para lang makasama mo ako doon sa ulap na sinungkit mo.

II. Paano na ang melodramatikong pagsasadula natin ng mga tagpo?

paano ka nga ba nakasama sa mga panaginip ko? sa dinami-rami ng mga mahuhusay mambola, paanong nangyari na sayo ako nagpabilog? at sa dinami-rami ng mga magagaling manloko, paanong nangyari na sayo ako nahulog, at napa-ibig? paanong nangyari na nabitag mo ako, e hindi ka naman naghapag ng mga pain? paanong hindi mo ako mapapa-ibig, at sa bawat tanong ko, tanging ngiti ang isinasagot mo? at kapag nagtatama ng medyo matagal-tagal ang ating mga paningin, paano ko nakikitang iba ang nasa isip mo? paano na nga ba ang buhay ko kung ang nakikita ko sa bawat sulyap ko sa mga mata mo ay hindi ako? paano mo rin nasabi na matitiis kitang nasa labas, at ako ay tuwang-tuwa ( o lungkot na lungkot ) sa loob ng sinehan? paano na lamang ang mga linya sa pelikula na ipinangako nating isasaulo? paano na kung ang tanging linya ng kaya kong sabihin ay 'mahal kita', at ikaw 'iba ang mahal ko'. paano na ang melodramatikong pagsasadula natin ng mga tagpo? paano na ang mga linyang sinumpa ko?

III. Kailan darating ang lakas ng loob?

kailan ba kita unang hiningan ng 1/4? ikaw lang kasi sa room ang kumpleto ang papel na 1/2, 1/4, at 1 whole. kaya ang tingin ko sa'yo ay pabrika ng papel, at mapagbigay. kailan tayo unang nagpang-abot? hindi ata 'yung play sa english noong mga first year pa lang tayo. kailan ko ba sinabi sa sarili ko na ikaw iyong tipo na gusto kong makasama habang nagbibilang ng mga puting buhok? kailan ko ba naisip na, sana, kasama kita habang nagbibilang ng mga petsa sa kalendaryo? kailan nga ulit ako humagulgol sa mga bisig mo dahil sa isang taong malapit sa iyo? iyon ba 'yung araw na napagtanto kong hindi na ako maghahanap ng iba? kailan mo kaya mararamdaman na sa bawat pagpapalit natin ng mga ngiti, hindi na kaibigan ang turing ko sa iyo? kailan nga ba ang tamang panahon para masabi ko sa iyong ikaw na lamang ang kulang masaya na ako? kailan ba darating ang lakas ng loob? walang tamang panahon sa mga maling damdamin.

IV. Saan nga ba kita hinawakan nang malasing tayo kagabi?

kung saan patungo ang langay-langayan, iyan ang hindi ko masasagot. tulad mo rin akong hindi nakikinig kay ma'am t. sa filipino. tulad mo, nagte-text din ako o 'di kaya'y gumuguhit ng lalaki mula sa salitang 'boy' habang ang iba ay ubos na ang laway sa sobrang pagkabagot. saan ka nga ulit nakaupo noon? hindi ba't magkalapit tayo lagi dahil sa mga apelyido natin? kaya sa tuwing nabuburyo ka sa kanyang klase, saan ka nga ba ulit pumupunta? sa langit? sa dalampasigan? o sa marumi nating canteen? nagtampo ako sa'yo noon... hindi mo man lang ako sinasama sa mga lakad mo. pero kagabi, magkasama tayo. isang bote ng goma lamang pala ang ikatutumba mo (oo, alam kong unang beses mo 'tong iinom). pinagbigyan kita kasi nakita kong duguan ang mga kamao mo, at tanging alak lang ang tunay na makagagamot ng lahat ng sakit. saan mo ba isinuntok 'yan? oo, gustung-gusto kong hinahawakan ang mga kamay mo, pero hindi sa paraang ganito. nagmukha akong nurse habang pinaliliguan ng betadine ang mga sugat sa kamay mo. at nang magsuka ka na, caregiver naman akong naglinis sa dumi mo. saan ko nga ba itinapon ang basahan? at nang gumewang ka na, ipinatuloy kita sa aking kuwarto; doon, hindi natin maiwasan ang pahapyaw na mga pseudo-lambingan at mga suntok sa buwan na pangako at bolahan. saan nga ba kita hinawakan nang malasing na tayo kagabi? saan ba umabot ang malilikot mong kamay nang nakahiga na tayo? sana umabot iyon sa aking kalungkutan.

V. Sino nga ba ako sa'yo kapag hindi ka nakainom?

ako ba ang stepfather mong nais mong basagin ang mukha? o ang babae sa redtube na pinaglalaanan mo ng oras para pagpantasyahan? kung wala sa dalawa, alam ko na kung sino nga ba talaga ako sa'yo. ako ay hindi para sa'yo, at iyan ang totoo.

VI. Ano ang mga dahilan ng aking pagkakaganito? Tapos na.

P.S. saksi ang electric fan, at ang damit na sinukahan mo, na ang tanging hawak ko sa buong magdamag ay mga kamay mo.

Ito ang aking opisyal na entry para sa E[kwento]MO Contest.



15 comments:

The Mikologist said...
on

oh oh oh,
ang lupit naman ng entry.
n_n
hindi yata pasok sa requirements ung blog ko
hehehe,
pero i will be posting related theme din.

good luck po sau!
i'll be rooting out for you.

go go go!!

wanderingcommuter said...
on

nadamay ako sa pag iisip... sa susunod na balik ko saka ko ibibigay ang mga napag isipan ko... mahusay, mahusay... hanggang ngayon ay nag iisip pa rin ako...

PROSETITUTE said...
on

MIKO. salamat ;) mabuhay ang mga dakilang emo! hahaha

WANDERER. haha, pasensya na. salamat. alam ko na mga tanong sa sagot ko. sa wakas.

karmi said...
on

wow. dobol wow.
di ko alam ang ico-comment ko. grabe. hehehe.
ang galing ng pagkakasulat mo. sa dinami-dami ng tanong mo, iisa lang pala ang sagot. sa wakas. :)

salamat sa pagpapasa ng entry ha. :) goodluck.

McRey said...
on

OUCH!!!

alam nya ba? o nahihiya lang kayo sa isa't isa?

PROSETITUTE said...
on

KARMI. salamat po. :) sana magbunga ang pagpiga ko ng emosyon sa kontes niyo :) weeee.

MCREY. alam niya. pero hindi naman kami nagkakahiyaan. para lang kaming magkaibigan, close friend. hay. tapos na.

pmonchet said...
on

Wow, galing dre.Sanlaksang katanungan nga.

gagitos said...
on

napaisip ako dun ah! waaahhhh
-
wei

Abou said...
on

sa palagay ko meron ka naman talagang sanlaksang kasagutan na nakatago sa iyong dibdib...

PROSETITUTE said...
on

PMONCHET. thanks 'dre :p

GAGITOS. esep esep. andami ko rin palang nahawaan sa pag-iisip.

ABOU. kaya nga siguro. sana. sana may sagot ako.

r-yo said...
on

ang ganda naman nito. super antig!

PROSETITUTE said...
on

R-YO. huwaw. the PBA's winner for arts and culture here in my prosetitution den?! wow, thanks r-yo. i hope you can drop by more often. :P

Anonymous said...
on

diko maintindihan kung babae o bakla ba sumulat neto..kung lalaki man parang bading na bading ah...

nice.

PROSETITUTE said...
on

ANONYMOUS. hindi ba ganoon katalas ang mga metaporang ginamit ko? :) salamat sa pagdaan.

siopao said...
on

haaay.. gusto ko to! :)



Post a Comment

Find It